Animal Print Tumblr Themes

Ano ‘to, Hershei?! Kalbuhin kita dyan ‘pag uwi ko e. >:P






Yung fandom life ko… NABUHAY NA NAMAN NG BONGGA NGAYON!

Juskoooo! Bakit naman ganito?! Kinikilig ako. Naiiyak ako. Natutuwa ako. Baliw na ata ako e. Ayan na. Nagsimula na naman kasi. Bakit kasi ang gwapo ni ZAC EFRON?! Huhu! Naaabnoy ako ‘pag ganito e. At napapagastos ng bonggang-bongga! Pero nandito na kaya sige, itutuloy ko na. ♥ ♡ ♥ ♡ ♥





Movies! :( Please lemme watch!

Ang dami kong gustung-gustong panuorin na movies pero hindi ko mapanuod kasi nasa cinemas nga dito pero hindi ko naman maiintindihan. :’( At kahit maintindihan ko e mas feel ko ‘pag English. Nako… Babawi talaga ‘ko ‘pag uwi ko. Baka bumili pa ‘ko ng original DVD’s. Ililista ko muna dito para ‘di ko makalimutan.

  • The Lucky One
  • The Lorax
  • The Avengers
  • Titanic 3D (As if feel na feel ko ‘pag sa DVD kung meron man. Haaay! Sa pangarap nalang ‘to.)
  • 21 Jump Street
  • Spring Breakers (kahit ‘di pa showing sa ngayon)

Ayan muna sa ngayon. 





Perm or not?

Opinyon please? Nung una kasi gusto kong magpakulay ng buhok. Tas ‘wag na lang pala kasi kakaiba ‘ko dito dahil sa kulay ng buhok ko. Tsaka naaaliw yung mga amo ni Mommy sa itim kong buhok. Pero matagal ko na kasi talagang pangarap na maging magkasingkulot kami ni Vanessa Hudgens. Tsaka mas prefer ko lang talaga yung kulot na medyo malalaki. E kanina nasa salon kami nina Mommy and Francis. Tas sinabi ko ‘yun kay Mommy. Then, parang okay naman sa kanya kasi sabi niya, “Ikaw bahala.” Tas sinabi ko nalang na, “E tsaka na siguro. ‘Pag humaba pa ng mas mahaba yung buhok ko.” Syempre kasi iikli pa ‘to ‘pag kumulot. Ayun. So, ano nga?





Sunset at Marina di Pisa. 




#sunset #Marina di Pisa


Marina di Pisa. May 27, 2012. We went there just to have some snacks and wait for the sunset. ✺ ‘Twas not too cold that afternoon. We were planning to take a swim, but I changed my mind and they did, too. Lol! :)) Anyway, we took such great photos. Tita Tess and her family arrived after the sunset. Then, we looked for an open gelateria and had a lot of talking.






If happy ever after did exist, I would still be holding you like this.. And all those fairy tales are full of shits. One more f*cking love song, I’ll be sick.

Now, I’m at a payphone.

(c) Ochok.

Papost lang. Nakakamiss mag-edit e. :3 Pakanta na din: Payphone by Maroon 5. :))




#payphone


Lindol. Lindol ulit.

Lumindol ulit kahapon. Dalawang beses pa. Una nung saktong 9:00 am. Sabi sa balita, inabot yun ng magnitude 5.8. Pangalawa nung saktong 1:00 pm. Nasa magnitude 5.4 naman yun. Emilia Romagnia pa rin ang center ng lindol na yon. Marami na namang gumuho. Kitang-kita pa sa isang video yung pagcollapse ng isang museum. Ganun din yung pagcollapse ng mga antique na simbahan. Meron na namang mga namatay, mahigit sa 10. Mapalad pa rin kami at walang nasaktan sa’min.





First photo on my bike. ♥ May 28, 2012. Galing ako sa maliit na Coop grocery nyan e. Before lunch ako nagising nun at wala kaming ulam kaya pumunta ‘ko dun para bumili ng tatlong lata ng tuna, mga kamatis tsaka salad. Buti nalang maganda ang sikat ng araw nun. :)






Makilala mo lang ng lubos ang isang tao kung araw-araw mo na siyang nakakasama.

Sa una lang pala siya magaling. Sa una lang pala siya nasa lugar. Nung nakasama na namin siya dito, biglang nagbago yung pananaw ko. Hindi na siya pabor sa’kin. Ang taas na ng grade niya sa’kin e. Tapos ngayon, biglang lagapak. Ito pala talaga siya: Wala siyang isang salita. Ang galing sumira ng mga plano. Nagkakasundo naman kami sa mga lakwatsahan e pero yung mga pabigla-biglang pagdedesisyon niya na wala sa lugar, nakakabwisit, nakakapanira ng araw. Mga tipong nagcancel ka ng mga gagawin mo para sa isang araw kasi bigla siyang nagset ng isang plano tapos pagdating ng araw na yon, magbabago yung isip niya at hindi niya itutuloy. Nakakabwisit diba? At madalas yang nangyayari. Nasa 80% of the time. Kaya nga minsan narealize ko, mabuti pang dito na lang ako sa bahay kesa sumama sa kanya kahit nakakotse pa kami. At least sa bahay, walang ganitong disappointments. Planadong-planado na, sisirain pa. Tapos ang hilig patakbuhin yung kotse niya pero yung pang-gas hihingin naman kay Mommy. Kahit ba 5 Euro lang yun, kapag pinagsama-sama naman e malaking halaga din ang kalalabasan. Kesyo wala siyang barya, kesyo naiwan yung pera, kesyo ganito ganyan. Psh! Bakit kasi hindi muna siguraduhing may pera siyang pang-gas bago siya mag-aya?! Tapos pagdating sa mga sticker at accessories ng kotse niya, may pera siya. Kala mo laruan yung kotse niya sa dami ng stickers. Hindi naman magawan ng paraan na linisin agad kapag naulanan ng ipot ng kalapati yung sasakyan niya. May car insurance pa ngang hindi bayad, kung anu-ano pang pinagkakagastusan na wala naman sa lugar. Tapos kapag napagsabihan siya ng taga-insurance dahil sa mahigit na isang buwan niyang delay sa pagbabayad, ang lakas ng loob niyang magalit. Sasabihin pa, “Papatayin ko yun e! Hindi ba nila alam na si Ranger ‘tong kinakaharap nila?! Mga @#%&*#@##&*@!” Pero nung nakatuntong siya sa lugar namin sa Tondo, urong naman buntot niya! Aangkas lang sa kuliglig, takot na takot na. Kala mo dagang nagkakandaugaga nang bumalik sa lungga niya! Puro yabang lang pala. Kaya sabi ng anak niya, “Si Papa ayaw akong pasamahin sa inyo sa Star City kasi daw delikado pero gusto niya ‘ko pasugurin sa gera, gusto akong maging sundalo. Ranger-ranger, takot naman!” Mismong anak niya hindi alam kung pa’no siya igagalang lalo na kapag kumilos ng parang adada. Biglang sasayaw dito, biglang aarte dyan. Nakakahiya. Hindi pumormal sa dapat pagpormalan. Tama nga si ____.. Immature siyang kumilos, minsan pati sa pag-iisip. Pati mga dapat niyang iprioritize sa buhay, hindi niya alam. Bili ng bili ng kung anu-ano para sa sarili o “sa kung kanino man” kahit hindi naman dapat pero pangangailangan ng anak niya, hindi niya maibigay. ‘Pag sa gastusan naman dito sa bahay, umiiwas din siya. ‘Di hamak na mas madalas si Mommy ang gumagastos ‘pag namimili kami sa supermarket. Out of 5 times na pamimili, 1 beses lang siyang nagvovolunteer magbayad. ‘Yun na nga e, hindi na nga siya ang nagbabayad, siya pa ang may pinakamaraming nabili. Pagdating sa pagluluto, oo, mabilis nga pero pagtapos nun, putikan naman ang kusina. Napakakalat pa. Akala mo hindi uso ang basurahan. Kapag naglinis, bara-bara naman. Magtataka pa ba kami e ultimo sa mga gamit at damit niya e salahura siya. Pagsamasamahin daw ba ang malinis at maruming damit. Buti na nga lang e kabaligtaran siya ng anak niya. Ito pa.. Kagabi lang e may nakakabwisit na nangyari. Naghihintay kami ng tawag niya sa’min para maghapunan dahil siya nalang daw ang magluluto. Alas-11 na ng gabi, wala pa rin. Yun pala e nakakain na siya kahit papa’no kasabay ng bisita at nakikipag-inuman na. Hindi man lang inisip na gutom na gutom na kami kahihintay. Tapos pagdating sa mesa, wala yung pinapabiling steak ni Mommy. Binigyan siya ng 5 Euro para dun tapos sa kung saan lang ginastos. Tapos idadahilan niya na kesyo ayaw naming sumama sa supermarket tapos maghahanap kami ng ganito ganyan. E hindi ata siya nakakaintindi ng salitang ‘bilin’ e! Hindi nga kami sumama, nagbilin naman kami at nagbigay si Mommy ng pera. Kesyo blah blah blah tapos sabay pangaral… Pangaral na wala sa lugar. Okay lang sana kung deserve naming mapagsalitaan ng ganun. E ang kaso, hindi naman. Akala mo kung sino. Akala mo ama namin, hindi naman! Wala akong pakialam kung baka dahil nakainom na siya ng konti. Ano pa man ang dahilan niya, wala pa rin siyang karapatang pagsalitaan kami ng ganun. Hindi namin siya totoong ama at hindi siya totoong asawa ni Mommy kaya hindi dapat siya umasta ng ganun. HINDI. Puro sakit sa ulo nalang ang binibigay niya kay Mommy. Puro sama ng loob nalang ang binibigay niya sa’min. Sa totoo lang, hindi ko ngayon lubos maintindihan kung bakit siya ang kasama namin ngayon.





Walang Hanggan.

Yung totoo… noong una, inis na inis ako dito. Grabe! Hindi naman sa ayaw ko sa kanila. Pareho silang magaling na artista. Walang duda ‘yon. Ang layo lang kasi ng agwat ng edad ni Coco Martin at Julia Montes para maging love team sa teleserye na ‘yun. Pero ngayon… Nakooo! Kahit nasa Italy na ‘ko e pinapanuod ko pa rin ‘to. Sa replay lang sa internet ako umaasa. Ang ganda-ganda na kasi ng mga eksena pati mga linyang binibitawan nila. Intense ang bawat episode. Parang araw-araw nalang e climax ang napapanuod ko. At oo, unti-unti ‘kong kinalimutan ang tungkol sa age gap nila. HAHA! Wapakels na muna ‘ko dun. Wapakels din ako kahit ang dami kong hindi napanuod na episodes. Basta ang alam ko e kaabang-abang ang bawat scenario nito. I must say… ‘tis one of the best Pinoy teleseryes in the history!



#Walang Hanggan


Gusto ko sana mamatay ka na at sana’y mamatay na rin ako dahil wala na tayong pag-asa dito sa lupa. Pero sa langit, dun tayo magsasama at mamumuhay ng tahimik, dun tayo malayang magmamahalan. ♥
– Daniel (Coco Martin), Walang Hanggan

#Walang Hanggan #Daniel #Coco Martin


Bike at Biking. :)

Did I mention that someone gave me a bike? Haha! Dahil sa kadaldalan, kakulitan at kawalang-hiyaan ko e naka-arbor (Tama ba spelling ng arbor ko? Haha!) ako ng bike. Oo, gamit na. E choosy pa ba ‘ko? 99 Euro din halaga ng brand new nun a. Mahal siya kasi de-fold. Pero dahil natabunan na ata ng pintura yung pinagtutupian e mukhang ‘di ko na siya maffold. =)) Di bale na. Kulay dilaw siya nung binigay sa’kin kahapon. Size 20 yata yung gulong tapos medyo mataas para sa’kin yung upuan. Adjustable naman kaya no problemo. Ah! May problema pala… Wala siyang preno. Despite the fact na wala siyang preno e nasimulan ko na siyang gamitin kanina (or kahapon kasi 1:56am na ngayon). Malayu-layo rin ang narating ko a. May 20 minutes din siguro papunta at 20 minutes ulit pabalik. Ang masasabi ko lang… Nakakagutom! Grabe. Naprocess kaagad lahat ng kinain ko nung lunch. E saan nga ba kasi kami nagpunta? 3 kaming nakabike: Ako, si Mommy at si Francis. Naghanap kasi kami ng kadena tsaka krrring-krrring (‘Di ko maalala yung tawag pero hindi naman ata kasi bell yung tamang term.) para sa bike ko. Nakaabot kami hanggang sa papuntang airport ng Pisa pati sa terminal sa centro. Halos isang oras namin nilalakad ‘yun papunta pa lang nung wala pa kaming bike. Sa ganung paraan lang kasi kami nakakapasyal tuwing ordinaryong araw. So, how’s the experience? Exciting + Nakakakaba + Nakakatawa + Nakakapagod + NAKAKAGUTOM + Nakakatanga + *kung ano pa mang emosyon* = asasdfghjklnhlakfbda! HAHA! First time ko kasi makapagbike ng tunay. Nakakapagbike naman ako kasi dati pero sa parking lot lang o kaya sa panaginip lang. Ganun. First time ko talagang makipag-unahan sa mga sasakyan, makabangga ng kotseng nakapark, makipagsalubungan sa sandamakmak na tao, makipag-away sa mga kalapating mababangga na e ayaw pang lumipad, makapagbike ng nakashades at magpudpod ng pwet. Susme! Ang sakit sa pwet ‘pag may lubak sa daan. At in fairness sa sapatos ko, hindi siya nasira kahit all that time e mga paa ko ang gamit kong preno. So, what are my plans for my bike? Meron na ‘kong kadena at krrring-krrring. Syempre, papaayos ko yung preno. Tapos bibili ako ng spray paint. Gustung-gustung-gusto ko talaga yung kulay ng cream/dirty white/light light light yellow para sa bike. Plus basket! Tapos baka hindi ko na palagyan ng lights kasi hindi ko naman kailangan. Pero baka magbago din isip ko. Tapos gusto ko merong furr, tsaka animal-print ek-ek, tsaka glitters, tsaka ano… HAHA! Joke lang. Baka magmukhang taga-circus yung may-ari. Anyway… Hindi ko na kailangang magpabili kay Mommy. Kontento na ‘ko dito. Konting ayos lang, swak na swak na. :) At sa wakas e may katulong na ‘ko sa pagbabawas ng bilbil ko. HE-HE. >:) Lezz go!





So lumindol nga kasi kahapon ng madaling-araw.

4:19am yun sa oras ng computer ko. Oo, gising pa ‘ko nun. NagfFacebook ako, nagtTwitter, nagtTumblr at nagtTetris. Tsaka di kasi talaga ko makatulog nun. E ayun nga. Nakatutok ako sa computer tapos biglang yumanig itong kamang kinalalagyan ko. Sa totoo lang, natakot ako hindi dahil narealize ko agad na lumilindol. Yung naisip ko, “Hala! Sino/Anong nasa ilalim ng kama?!”. Takutin daw ba ang sarili. Tapos nakita kong gumalaw din yung maliit na mesa sa tabi ng kama namin. Doon ko lang narealize na lumilindol. Ang nasa isip ko na nun: Kailangan buksan ko yung pinto ng kwarto kasi baka matrap kami dito kapag nastuck siya. Umiwas sa mga bintanang babasagin. Gisingin ko ang mga walang kamalay-malay na tulog. Magsama-sama sa isang lugar. So ayun nga. Ginising ko yung kapatid ko, tumakbo kami sa sala, ginising ko si Mommy, nagising sina Tito Boyet at Kuya Eric. Hindi ko nagising yung mag-anak ni Tito Pres kasi nasa kabilang kwarto sila. Sa lakas ng lindol na yun, nag-ingay yung mga alarm ng mga nakapark na sasakyan sa labas. Anong ginawa namin? Wala. Nagdadalawang-isip talaga kasi ‘ko kung aayain ko ba silang bumaba na ng condo. Nakakatakot kasi nasa 3rd floor pa naman kami. Mahirap mag-evacuate kung sakaling magccollapse ‘tong building. Inabot din ng mahigit 3 minutes yung pagyanig na yun. Nung nawala na, grabe, hilo talaga kami. Pagcheck ko ng pc ko, may mga nagising din palang tagaPisa ng dahil sa lindol, mga nagtweet, nagstatus. Syempre ako din. Papahuli ba ‘ko? :P Anyway, walang nakatulog agad sa’min. Syempre kasi nag-aabang kami ng aftershock. Hindi naman mawawalan nun e. Kakahintay namin, ayun, nakatulog na kami. Hehe. Pagdating ng umaga, binalita na yung tungkol dun. Sa katabing region pala ang naging sentro nung lindol. Emilia Romagna to be exact. Madaming nagcollapse, pati historic infrastructures.

Ganitong-ganito ang mga nakita ko sa news. Sa lugar na yun, inabot ng magnitude 6 yung earthquake. Dito banda sa’min e magnitude 5+ naman. As of now, 6 ang sabing namatay. About 30 minutes after ng earthquake na yun, bumuhos ang ulan. Grabe. Parang end of the world na. Mala-2012 movie ang dating lalo na nung umulan. Yun ang pangalawa sa pinakamalakas na lindol na naencounter ko. Sa kabutihang palad at sa awa ng Diyos, wala namang nasaktan sa’min. Sana patuloy Niya kaming gabayan.